Umabot na sa higit 26,000 applications ang natanggap ng Commission on Elections (COMELEC) sa nagpapatuloy na voters’ registration.
Ito ay naitala ng poll body sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa COMELEC, ang mga local Offices of Election Officers (OEOs) sa Metro Manila ay nakatanggap na ng 26,856 applications sa unang linggo pa lang ng registration period mula July 2 hanggang 7.
Ang applications ay para sa registration, transfer, reactivation, change of entry at reinstatement of records.
15,579 ay mga babae habang nasa 11,277 ay mga lalaki.
Ang Caloocan City (1st district) ang nakatanggap ng pinakamaraming bilang ng applications na may 1,518, kasunod ang Makati City (2nd district) na may 1,442, at Pasay City (2nd district) na may 1,223.
Magtatagal ang voters’ registration para sa may 2019 national at local elections hanggang September 29, 2018.