HALALAN | Voters registration verification, gagamitin ng COMELEC sa 2019 elections

Manila, Philippines – Gagamitin na ng Commission on Elections (COMELEC) sa darating na 2019 midterm elections ang voter’s registration verification project.

Ayon kay COMELEC Special Bids and Awards Committee Chairperson, Atty. Thaddeus Hernan – isa itong programang magpapabilis sa proseso ng botohan na makakapagsugpo sa mga ilegal na aktibidad tuwing halalan.

Sa ilalim aniya ng bagong programa, mabeberipika na ang tunay na pagkakakilanlan ng mga botante sa pamamagitan lamang ng kanyang biometrics.


Sinimulan na rin ng komisyon ang bidding kung sino ang magiging service provider sa naturang programa.

Apat na kumpanya ang sinala ng komisyon kung saan kasama ang Smartmatic.

Sinabi ni Hernan – bagaman nasangkot sa mga kontrobersiya ang Smartmatic ay hindi naman ito maaring gawing sapat na dahilan para madiskwalipika sa bidding ng mga nais maging service provider sa darating na eleksyon.

Nagkakahalaga ng 1.16 billion pesos ang pondong nakalaan para sa proyekto ng COMELEC.

Plano ng poll body na subukan muna ang mga mabibiling makinarya bago gamitin sa darating na halalan.

Facebook Comments