HALALAN | Youth voters na kaka-18 anyos lamang, awtomatikong makakaboto sa 2019 midterm elections

Manila, Philippines – Hindi na kinakailangang magparehistro bilang regular voters ang mga batang Pilipinong kaka-18 anyos lamang.

Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, ang youth voters para sa Sangguniang Kabataan (SK) na naabot ang voting age na 18-anyos ay kwalipikado nang makaboto para sa may 2019 midterm elections.

Paliwanag pa ni Jimenez, awtomatikong inililipat ng poll body ang records mula sa SK database patungo sa official list ng registered voters.


Nabatid na umabot sa 1.6 million voters na may edad 15 hanggang 17 ang lumahok sa SK elections nitong nakaraang Mayo.

Samantala, nagpaalala rin ang poll body sa mga aspiring political party para sa 2019 elections na maghain ng kanilang petitions for registration sa July 15.

Ang deadline naman sa paghahain ng petitions for registration para sa coalition of political parties ay sa August 31.

Facebook Comments