“Halalang Marangal 2022,” binuo ng iba’t ibang religious group para sa mapayapang eleksiyon

Nagkaisa ang iba’t ibang religious group para sa panawagang malinis, tama, responsable at accurate na pagdaraos ng 2022 national elections.

Binansagan itong “Halalang Marangal 2022” na kinabibilangan ng 20 simbahan at civic groups na binuo upang matiyak ang matuwid na halalan.

Ilan sa mga aktibidad ng grupo ay ang; pangangampanya para himukin ang lahat na magparehistro, pagbibigay ng voter’s education at pag-monitor sa poll.


Ilan sa mga grupong lumahok sa “Halalang Marangal 2022” ay ang; Caritas, Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP); Sangguniang Laiko ng Pilipinas; Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP).

Habang sumama rin dito ang Brotherhood of Christian Businessmen and Professionals (BCBP); De La Salle Brothers Philippines; Network for Justice and Compassion (NetJC); People Empowerment via Transformative Electoral Reforms (PETER); Philippine Misereor Partnership (PMPI); Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB); Bawat Isa Mahalaga (B1M); The Faith Initiative; at Radio Veritas846.

Sa ngayon, hinimok ni Caritas Philippines head Bishop Jose Collin Bagaforo ang iba pang religious group na makiisa sa kanilang adhikain para sa payapang halalan.

Facebook Comments