Sang-ayon ang ilang mga consumer sa lungsod ng Dagupan ukol sa ipinapanukala ngayong half cup rice bill para sa mga restaurants bilang nararamdaman ngayon ang pabago-bagong krisis sa palay at bigas sa bansa.
Ayon sa ilang mga consumer na madalas kumakain sa mga fast food at restawran sa lungsod, maganda rin kung maisasakatuparan ang naturang bill para makatulong ang mga kainan sa pagbabawas at maging pagsasayang ng kanin.
Hirit rin ng mga ito na bilang isa ring consumer ay maging responsible din umano sa pagbili at pagkonsumo ng kanin lalo kung hindi naman kayang ubusin.
Kanya-kanyang diskarte ang mga consumer at mga negosyante sa kung paano rin makakabili ng bigas na hindi sasakit ang kanilang mga bulsa.
Aminado rin ang Department of Agriculture na hindi kayang ipatupad sa ngayon ang bente pesos kada kilo ng bigas sa bansa dahil depende rin ito sa presyo na tumatakbo ngayon sa merkado.
Sa ngayon, nararamdaman ang pagtaas ng dos hanggang tres pesos na pagtaas ng presyo kada kilo ng bigas sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments