Half Million na halaga ng Shabu nakumpiska ng PDEA 12

Muli na namang nakaiskor ang mga elemento ng PDEA 12 sa mas pinatinding operasyon kontra Droga.Kahapon 4 na indibidwal ang sabay na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Purok Rosas, Brgy. Buenaflor, Tacurong City pasado alas syete ng umaga.
Kinilala ni PDEA 12 Director Gil Castro ang mga nahuli na sina Angelito Ulangkaya 57 , isang balot vendor kasama ang anak nitong si John Michael Ulangkaya 23 anyos isang istudyante, arestado rin si Freeman Ulangkaya, 38, residente ng Brgy. Katungal, GM Homes Zone 1, Tacurong City at Rahib Abdullatif, 30 anyos isang negosyante at residente ng Malingao, Shariff Aguak, Maguindano.
Nakumpiskahan ang mga ito ng (30) grams ng suspected Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala bilang “shabu” na may street value na Php 330,000.00, drug paraphernalias at mga dried marijuana leaves.
Samantala sa magkahiwalay na operasyon sa Brgy. Tinoto, Maasim, Sarangani Province, mag aalas otso kahapon ng umaga ng mahuli rin si Elizia Somatria, 47 sinasabing isang negosyante at kabilang sa watchlist ng PDEA 12.Nakumpiskahan ito ng 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 110 libong piso.

Kasalukuyang nasa jail facility na ng PDEA 12 ang mga naaresto at nahaharap na sa mga kaukulang kaso.
PDEA12 PICS



Facebook Comments