South Cotabato – NASA P5 milyon ang inilaan na pondo ng gobyerno para sa ipapatayong halfway house para sa mga dating miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ang nasabing proyekto ang nasa ilalim ng Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay DILG OIC provincial director Aurora Andrea de Pedro.
Isa ang South Coatbato sa walong mga lalawigan sa Pilipinas na napiling bigyan ng nasabing proyekto.
Ibibigay ang nasabing pundo sa oras na makumpleto ang hinihinging requirements ng national government.
Layunin nito na mabigyan ng tulong ang mga dating miyembro ng NPA at walang dahilan upang umanib muli sa rebeldeng grupo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558