Halfway houses o pasilidad para sa mga babae at batang biktima ng pang-aabuso, isinulong sa Kamara

Inihain ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang House Bill 8985 na nagtatakda ng pagtatayo sa bawat munisipalidad ng mga probinsiya ng halfway houses o pasilidad para sa mga babae at batang biktima ng pang-aabuso.

Ang panukala ni Duterte ay tugon sa patuloy na mga insidente ng pang-aabuso sa mga bata at kababaihan sa kabila ng pag-iral ng RA 9262 o Anti-violence Against Women and their Children Act.

Halimbawa nito ang mga biktima ng domestic violence, trafficking, sexual assault, at harassment na hindi ini-rereport ng mga biktima dahil sa takot at kahihiyan.


Sa ilalim ng panukala ni Duterte, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangangasiwa sa mga halfway houses na magsisilbing pansamantalang proteksyon, support at treatment sa mga inabusong bata at babae sa buong bansa.

Ang panukala ni Duterte ay nataon din sa pag-obserba ng National Children’s Month, at sa nakatakdang 18-day Campaign to End Violence Against Women na magsisimula sa November 25.

Facebook Comments