Hall of Justice sa Davao City, hindi muna ipagagamit matapos mapinsala sa lindol kahapon

67

Ipinagbawal na ng local executive at ng Executive Judge ng Davao City RTC ang pag-pasok o pag-gamit ng Justice Hall ng lungsod kasunod ng pagtama ng malakas na lindol sa Davao Del Sur kahapon.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipinaabot na sa kanya ang naturang direktiba ng local executive at ng executive judge sa lugar.


Ayon sa kalihim, kailangan munang masuri ng mga eksperto ang Justice hall upang matiyak kung ligtas pa itong gamitin.

Ina-antabayanan naman ni Secretary Guevarra ang report mula sa City Chief Prosecor ng Davao City kaugnay ng maaring pinsala prosecutors offices sa lugar.

Facebook Comments

From Advertisers