HALOS ₱1M HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA DRUG BUY-BUST SA ROSALES

Halos isang milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang drug buy-bust operation sa Barangay Carmen West, Rosales, Pangasinan noong Linggo, Enero 11, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 44-anyos na itinuturing na high value individual mula sa Dagupan City.

Isinagawa ang operasyon ng Rosales Municipal Police Station katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency–Region 1 (PDEA-RO1).

Ayon sa ulat ng pulisya, nakuha mula sa suspek ang 29 pakete na naglalaman ng humigit-kumulang 146 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱994,024 batay sa Standard Drug Price.

Bukod dito, narekober rin ang mga plastic sachet, dusted at boodle money, at perang ginamit bilang buy-bust money sa operasyon.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rosales MPS ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Facebook Comments