Nakumpiska ang halos ₱20,000 halaga ng hinihinalang shabu matapos maaresto ang dalawang indibidwal sa isang buy-bust operation sa Urdaneta City, Pangasinan noong gabi ng Pebrero 7.
Bandang alas-diyes ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang Urdaneta City Police Station, katuwang ang PDEA RO1, na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang 33-anyos na lalaki at isang 29-anyos na babae, kapwa residente ng Asingan, Pangasinan.
Sa isinagawang operasyon, nasamsam mula sa mga suspek ang 2.87 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street drug price na ₱19,516.00, na nakalagay sa dalawang plastik na pakete.
Narekober din bilang non-drug evidence ang ginamit na buy-bust money at boodle money, kabilang ang ilang drug paraphernalia.
Ang dalawang suspek ay nahaharap sa kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa batas laban sa ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










