Halos ₱3M halaga ng shabu, nasabat sa magkasunod na drug buy-bust operation

Nakasabat ang mga otoridad ng halos ₱3M halaga ng shabu sa ikinasang anti-illegal drug operations sa Laguna at Negros Oriental.

Ayon kay Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO) Chief Police BGen. Roderick Augustus Alba, ang unang drug operation ay isinagawa sa Sibulan town, Negros Oriental kung saan naaresto ang suspek na si Jemar Casalta.

Nakuha ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit at Sibulan Municipal Police Station mula sa pag iingat ni Casalta ang ₱1,584,400 halaga ng shabu.


Samantala, naaresto naman ng Laguna PNP sina Mirsuari Darang Jr., at Makikarim Sabuyogan sa buy-bust operation kahapon sa Calamba.

Nakumpiska sa mga ito ang nasa ₱1.1M halaga ng shabu.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong paglabag sa Republic Act (R.A.) 9165 O Comprehensive dangerous drugs act laban sa mga suspek.

Facebook Comments