Halos ₱47-B 2nd tranche cash aid, naipamahagi na sa 7 milyong pamilya

Nakapamahagi na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng nasa ₱46.5 billion sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon sa DSWD, kabuuang 6,951,049 families ang nakatanggap ng cash aid, kabilang ang higit 1.3 million beneficiaries sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), higit 3.7 million low-income at non-4Ps families, at 1.9 million “waitlisted” families.

Sakop ng second tranche ng SAP ang 12 million household beneficiaries.


Una nang sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na posibleng mapalawig ang pamamahagi ng SAP 2 hanggang ikalawang linggo ng Agosto dahil may ilang lugar pa ang hindi naaabutan ng ayuda gaya ng mga nasa geographically isolated at disadvantaged areas, maging sa conflict-affected areas.

Facebook Comments