Halos ₱1 billion pondo, nasayang sa pagpapaliban ng BARMM Elections —COMELEC

Aabot sa isang bilyong piso ang nasayang na pondo ng Commission on Elections (Comelec) dahil sa pagpapaliban ng BARMM Parliamentary Elections.

Sa naturang halaga, kalahating bilyong piso ang inilaan para sa printing ng 2.3 million na balota na nasayang na lamang.

Dahil dito, problemado ang poll body para sa magiging gastos sakaling matuloy ang halalan.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, bukod pa raw ito sa procurement ng iba pang election paraphernalia.

Iginiit din ni Garcia na kailangan pa ring bayaran ang mga makina na nirentahan ng poll body matuloy o hindi ang halalan sa October 13.

Sa ngayon, itinigil na ng Comelec ang lahat ng paghahanda para sa halalan hangga’t wala pang ipinapasang batas ang BARMM government.

Iniurong naman sa Marso ng susunod na taon ang posibleng pagdaraos ng unang BARMM Parliamentary Elections.

Facebook Comments