HALOS ₱1 BILYONG HALAGA NG SHABU, NASABAT SA BUGALLON; DALAWA, ARESTADO

Isang Chinese national at kasama nitong Filipino driver ang naaresto sa isinagawang joint operation ng PDEA at PNP Bugallon ngayong kahapon sa kahabaan ng Romulo Highway, Brgy. Polong, Bugallon.

Ayon sa ulat, hapon nang maharang ng awtoridad ang isang itim na van sa nasabing bayan.

Sa paghahalughog ng awtoridad tumambad ang kilo-kilong hinihinalang shabu.

Nasabat mula sa kanilang minamanehong sasakyan ang tinatayang 120 kilo o 125 pakete ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na humigit-kumulang ₱816 milyon.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng mga droga at kung kanino pa konektado ang mga naarestong suspek.

Facebook Comments