Halos ₱13-M na mga pekeng produkto, nakumpiska ng NBI sa magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila

Aabot sa 13 milyong pisong halaga ng mga pekeng produkto ang nakumpiska ng National Bureau of Investigation (NBI) sa magkahiwalay na operasyon sa Metro Manila.

Batay sa report, mahigit 12 million dito ay mga bath at beauty products na nakumpiska sa Maynila, Quezon city, at Parañaque.

Sinundan ito ng operasyon muli sa Maynila kung saan mahigit isang milyong counterfeit technology products ang nakumpiska.


Labindalawang search warrants ang hawak ng NBI sa magkakasunod na operasyon.

Ang mga nahuling suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Code.

Samantala, sa Davao City naman, tatlong indibidwal ang inaresto rin ng NBI dahil naman sa pagbebenta ng pekeng essential oils.

Nahaharap na rin ang tatlo sa kaparehong kaso.

Facebook Comments