Halos ₱3 milyong halaga ng mga gamot na walang kaukulang dokumento, nasabat ng Bureau of Customs

Nasabat ng Bureau of Customs-Port of NAIA ang nasa anim na shipment ng mga Chinese medicine na walang kaukulang dokumento.

Ang mga nasabing shipment na mula Hong Kong ay walang clearance mula sa Food and Drug Administration (FDA) kung saan nagkakahalaga ito ng ₱29,328,000.

Laman ng shipment ang nasa 146,600 na kahon ng Chinese traditional medicine na Lianhua Qingwen Jiaonang.


Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Customs hinggil sa mga nasabing Chinese medicine kaya’t agad silang nagsagawa ng operasyon para makumpiska ang mga ito.

Nakipag-ugnayan rin ang Customs sa nga opisyal ng barangay para matunton ang consignee nito pero hindi na ito natagpuan pa.

Facebook Comments