
Nag-iwan ng halos ₱37 million na inisyal na halaga ng pinsala ang nagdaang mga Bagyong Mirasol at Nando.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala ng mahigit ₱21 million na pinsala ang mga nagdaang bagyo sa imprastraktura kung saan pinaka napuruhan ang Region II o Cagayan Valley.
Samantala, nag-iwan din ng mahigit sa ₱15.3 million na halaga ng pinsala sa sektor ng Agrikultura sa Ilocos Region, CALABARZON at Western Visayas.
Nasa 909 na mga magsasaka at mangingisda naman ang naapektuhan ang kabuhayan sa mga nabanggit na rehiyon.
Nakapagtala rin ng halos 3,000 kabahayan ang winasak ng bagyo kung saan 2,671 dito ang partially damaged at 221 ang totally damaged.
Sa pinakahuling datos ng NDRRMC, 13 ang iniwang patay ng bagyo, 17 ang nasugatan o nasaktan habang mayroon pang dalawang indibidwal na nawawala.









