Halos ₱3 milyon halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa Ilocos Region sa loob ng unang linggo ng 2026, batay sa tala ng Police Regional Office (PRO) 1.
Mula Enero 1 hanggang 7, 2026, umabot sa ₱2,966,065 ang kabuuang halaga ng mga iligal na droga na nakumpiska sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa rehiyon.
Sa nasabing petsa, 37 operasyon ang naisagawa na nagresulta sa pagkakaaresto ng 45 indibidwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.
Kabilang sa mga nasamsam ang 435 gramo ng hinihinalang shabu at 29 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, na nakuha sa iba’t ibang lalawigan sa Ilocos Region.
Patuloy ang pagsasagawa ng mga operasyon laban sa ilegal na droga bilang bahagi ng pagpapatupad ng umiiral na batas at mga hakbang sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.








