Aabot sa mahigit ₱66.7 milyong patubig ang natanggap ng mga magsasaka mula sa National Irrigation Administration (NIA) na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa tulong ng Department of Agrarian Reform – Mindanao Sustainable Agrarian and Agriculture Development (DAR-MINSAAD) project.
Ang dalawang irrigation projects ay kinabibilangan ng ₱56.9 million Dalol Communal Irrigation System (Dalol CIS) na nasa Barangay Natividad at ₱9.8 million Macadiz Small Irrigation Project (Macadiz SIP) na nasa Barangay Datalblao sa Columbio, Sultan Kudarat.
Ayon kay Administrator Ricardo R. Visaya, target ng Dalol CIS project na mapatubigan ang nasa 460 ektarya ng lupain sa Barangay Natividad habang nasa 57 ektarya naman ng lupain ang plano sa Barangay Datalblao.
Pinasalamatan naman ni Colundibus Communal Irrigators Association President Eduardo Ebdane, ang pamunuan ng NIA at DAR dahil sa tulong para mas matantya ang sapat na tubig para sa kanilang mga sakahan.