Halos ₱7-B halaga ng cash aid sa ilalim ng SAP 2, naipamahagi na sa higit 1.3 milyong pamilya

Umabot na sa ₱6.88 billion na halaga ng cash assistance ang na-disburse sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa ilalim ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang nasabing halaga ng pera ay naipamahagi na sa 1,362,911 na pamilya sa bansa.

Pagtitiyak ng DSWD na patuloy ang pamamahagi ng emergency subsidy sa second tranche para sa pang araw-araw na pangangailangan ng mga nangangailangan.


Ang mga kwalipikadong benepisyaryo sa SAP 2 ay mga pamilya sa unang tranche na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Kabilang ang National Capital Region (NCR), Central Luzon maliban sa Aurora, CALABARZON, Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu Province, Bacolod, Davao City, Albay, at Zamboanga City.

Facebook Comments