Halos ₱8-M halaga ng marijuana, pinagsisira ng mga pulis sa Cordillera

Aabot sa 21,600 na mga tanim na marijuana, 30 kilo ng marijuana stalks at 1 kilo ng binhi ng marijuana na nagkakahalaga ng 7.95 milyong piso ang sinunog ng Philippine National Police (PNP) sa Kalinga, nitong Huwebes at Biyernes.

Sa report ni Police Regional Office (PRO) Cordillera kay PNP Chief Pol. Gen. Debold Sinas, narekober ang marijuana sa limang plantasyon sa bulubunduking bahagi ng Barangay Loccong Tinglayan, Kalinga, na may kabuuang sukat na 2,250 square meters.

Ang pagsalakay sa mga plantasyon na isinagawa ng may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ay dahil sa impormasyon na nakuha sa dalawang suspek na unang naaresto sa buy-bust operation noong February 18.


Tiniyak naman ni Gen. Sinas, na magpapatuloy ang pinaigting na kampanya laban sa marijuana bilang bahagi ng “summer offensive” ng PNP.

Facebook Comments