Halos 1.4 million doses ng Modena vaccines, dadating sa bansa ngayong araw

Kabuuang 1,363,000 doses ng Moderna COVID vaccines ang dadating sa bansa ngayong araw.

Bago mag alas-4:00 ngayong hapon ay lalapag sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 1 ang China airlines flight CI703 sakay ang mga bakuna.

Kahapon, halos 3 milyong doses ng Moderna at AstraZeneca vaccines ang dumating sa bansa.


2,132,140 doses dito ay Moderna at 661,100 doses ang AstraZeneca.

Facebook Comments