Halos 1.5 million halaga ng shabu, nasamsam sa Makati

Aabot sa 215 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱1,462,000 ang nasamsam ng mga awtoridad sa apat na drug suspects sa buy-bust operation sa Makati City.

Kinilala ang mga suspek na sina; Mc Gregor Tibayan, alyas Mac 33-anyos, nakatira East Rembo Makati City; Edgar Evangelista alyas “Egay”, 34-anyos nakatira sa Barangay Rizal, Makati City; Allan Sagario alyas “Allan” 40-anyos nakatira sa Brgy. Maysapang Ususan, Taguig City at Dario Hallera alyas “Ding”, 38-anyos nakatira sa Brgy. Rizal, Makati City.

Nakuha sa apat na suspek ang dalawang maliit na pakete, dalawang pirasong medium plastic sachet, dalawang knot tied plastic ice bag na pawang naglalaman ng shabu, dalawang coin purse, dalawang maliit na kahon, isang cellphone, dalawang ₱500 bill, dalawang ₱1,000 bill at 14 pirasong boodle money na ginamit bilang buy-bust money sa operasyon.


Dinala ang mga narekober na ebidensiya sa EPD Crime Laboratory para sa confirmatory chemical analysis.

Facebook Comments