
Milyon-milyong mga pasahero sa mga pantalan ang nakinabang sa “Free Terminal Fee Policy” na ipinatutupad ng Philippine Ports Authority (PPA).
Sa ilalim nito, libre ang terminal fee para sa mga estudyante, senior citizens, persons with disability (PWD), at mga uniformed personnel kasama ang Medal of Valor awardees at ang kanilang mga kaanak.
Ayon sa PPA, mula 2019 ay umabot na sa 8.77 million ang mga pasaherong nakinabang sa libreng terminal fee o katumbas ng P219 million na natipid ng mga pasahero.
Ngayong taon, umabot na sa 1.69 million pasahero ang nakinabang hanggang nitong Hulyo, na katumbas ng higit P34 million na kabawasan sa bayarin ng mga pasaherong gumagamit ng mga pantalan.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, layon ng programang ito na pagaanin ang gastos sa pamasahe.
Nagpaalala naman ang PPA sa mga kwalipikadong bibiyahe na huwag kalimutang ipakita ang valid ID sa terminal para hindi na magbayad ng terminal fee.









