Dumating na sa bansa ang 973,440 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na binili ng pamahalaan.
Ayon kay NTF Strategic Communications sub-task group on current operations Head Asec. Wilben Mayor, malaking bahagi ng nasabing mga bakuna ay ilalaan sa general pediatric vaccination sa Metro Manila na magsisimula sa November 3.
Sinabi rin ni Mayor na 1.5 million doses naman ng AstraZeneca-Oxford COVID-19 ang inaasahang darating sa bansa ngayong araw.
Nauna na ring sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na mayroon pang 50 hanggang 60 million dose ng COVID-19 vaccine ang idedeliver sa bansa bago matapos ang 2021.
Facebook Comments