Halos 1-M indibidwal, naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Uwan ayon sa DSWD

Tinatayang umabot na sa 995,067 na indibidwal o mahigit 200,000 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Uwan sa bansa ayon sa huling tala ng Department of Social Welfare Disaster Management Response (DSWD-DMR).

Mula ang naturang bilang sa rehiyon ng NCR, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Negros Island, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, CARAGA, at BARMM.

Ayon sa huling ulat ng DSWD-DMR, 112,672 na pamilya ay kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers habang 51,713 naman ay nakikitira sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan.

Kaugnay nito, umabot na sa mahigit P4-M humanitarian assistance ang naipamahagi ng ahensya sa mga nasalanta ng bagyo.

Patuloy rin ang kanilang paghahatid at pamimigay ng mga Family Food Packs (FFP) at ready-to-eat foods sa pamilyang apektado ng paghagupit ng Bagyong Uwan.

Facebook Comments