Halos 1 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccines na binili ng pamahalaan, dumating sa bansa kagabi

Dumating na sa bansa ang karagdagang 976,950 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Dakong alas-9:50 kagabi nang dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Binili ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng Asian Development Bank (ADB).


Sa ika-3 ng Nobyembre sisimulan ang pagbabakuna sa lahat ng kabataang edad 12 hanggang 17 sa buong bansa kung saan kabilang ang Pfizer at Moderna vaccines sa ituturok.

Nagsimula ang programang pagbabakuna ng gobyerno nitong Marso ngayong taon.

Facebook Comments