Halos 10 milyong halaga ng shabu, nakuha ng mga otoridad sa bahay ng dating alkalde ng Marawi City

109

Marawi City, Philippines – Aabot sa sampung milyong piso na halaga ng shabu ang nakuha ng mga otoridad sa bahay ng dating alkalde ng Marawi City na umanoy financier ng teroristang grupong Maute.

Nakuha ng PNP ang aabot sa dalawang kilo ng shabu sa ikalawang palapag ng bahay ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali habang nagsasagawa ng house to house clearing operation.

Nabatid na nasa dalawa hanggang tatlong kilometro lamang ang layo ng bahay sa combat zone kung saan nakikipagbakbakan ang tropa ng pamahalaan at Maute.


Si Ali ay kabilang sa pinaghahanap ngayong ng otoridad matapos maglabas ng warrant of arrest ang Department of National Defense laban sa 125 Maute members.

Facebook Comments