Matapos ang balasahan sa ilang mga opisyal ng Bureau of Immigration sa ilang paliparan sa bansa, nagpatupad na din ng balasahan ang BI sa halos 100 intelligence officers nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon sa BI, ang reshuffle sa 96 na mga immigration intelligence officers at agents ay bahagi ng pagpapa-improve sa kanilang serbisyo at maiwasan ang korapsyon.
Kasama rin sa mga naapektuhan ng balasahan ang job order employees na nakatalaga sa border control and intelligence unit, o BCIU ng BI
Ang mga BCIU personnel ang siyang responsable sa pag-monitor at pag-profile ng mga dayuhang pasahero, at umalalay din sila sa immigration officers sa pagtukoy sa mga sindikato sa likod ng human trafficiking.
Facebook Comments