Halos 100 job seekers, hired on the spot sa ginanap na Mega Job Fair ng Caloocan PESO

Umaabot sa halos 100 job seekers ang na-hired na spot sa Mega Job Fair ng lokal na pamahalaan ng Caloocan at ng kanilang Public Employment Service Office (PESO) katuwang ang DZXL Radyo Trabaho.

Ilan sa kanila ay magtatrabaho na bilang crew, staff, clerk, sales associate, kitchen helper, maintenance at office personnel.

Ayon kay Caloocan PESO Manager Beng Gonzales, ikinasa nila ang job fair bilang tulong sa mga kababayan nilang naghahanap ng trabaho.


Sinabi naman ni Caloocan City Mayor Along Malapitan, hangad niya at ng kaniyang administrasyon na makapagbigay ng trabaho sa lahat ng residente ng kanilang lungsod upang kahit paano ay umangat ang estado ng kanilang pamumuhay.

Nasa higit 60 kompanya ang sumali sa nasabing job fair at nasa higit 7,000 trabaho ang alok nito.

Sa parte naman ng DZXL Radyo Trabaho, may ilan na rin ang interesado na maging news writer at field reporter sa ating himpilan.

Sa iba naman na nais interesado na maging bahagi ng DZXL Radyo Trabaho, magpadala ng updated resume sa dzxlradyotrabaho@gmail.com o kaya magsadya ng personal sa DZXL RMN Station sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, EDSA Makati City.

Facebook Comments