HALOS 100 JOB SEEKERS, NA HIRED-ON-THE-SPOT

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang isinagawang Job Fair and Business One Stop Shop (BOSS) kasabay ng pagdiriwang ng Aggao Nac Cagayan.

Ayon sa Cagayan Provincial Information Office, dinagsa ang nasabing job fair ng nasa 187 na aplikante na kung saan karamihan sa mga ito ay kababaihan.

Layuning ng ikinasang aktibidad na mapababa ang unemployemnt rate ng probinsya gayundin upang matulungan ang mga Cagayano na makapaghanap ng trabaho na makatutulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.


Ilan naman sa mga aplikante na kabilang sa HOTS katulad ni Jericho Francisco ng Gumarueng Piat, ang nagpaabot ng pasasalamat sa oportunidad na ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.

Ngayong taon, 29 local employers at 8 na international o overseas employers ang lumahok sa Job Fair and Business One Stop Shop (BOSS) na may halos dalawang libong job vacancies.

Facebook Comments