Nakapagtala ang Commission on Human Rights (CHR) ng 95 na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag sa buong bansa, mula 2018.
Sa datos ng CHR Task Force on Media Killings, naitala ang pinakamataas na bilang ng kaso ng pagpatay sa SOCCSKSARGEN na may walong kaso.
Sinundan naman ito Cordillera Administrative Region (CAR) at Central Visayas na may tig-anim na kaso, at Bicol region na may apat na kaso.
Ayon sa CHR, isa sa kanilang mga hakbang para matuldukan ang ganitong uri ng karahasan sa media ay ang pagbabalangkas ng Philippine Action Plan for Safety of Journalists (PPSJ).
Pangunahing tututukan ng framework ang proteksyon ng mga kawani ng media sa mga hamon sa kanilang trabaho, tulad ng death threats, pananakot, at karahasan.
Facebook Comments