Halos 100 LGUs na nakapaligid sa Manila Bay, non-compliant sa environmental laws

Umabot sa 95 lokal na pamahalaan na nakapalibot sa Manila Bay watershed area ang nadiskubreng hindi sumusunod sa environmental laws.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año – 95 mula sa 178 Local Government Units (LGUs) o 53% ng localities ang non-compliant o nabigo sa kanilang assessment.

Ito aniya ay base sa 2018 regional inter-agency committee table assessments at on-site inspections.


Mula sa nasabing bilang, 56 LGUs ay sa Central Luzon, 37 sa Calabarzon, at dalawa sa Metro Manila.

Siniguro naman ng kalihim – na tutulungan nila ang mga LGU at hindi sila pababayaan.

Sa ngayon, “full geared” na ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Facebook Comments