Nakauwi na sa Sulu at Tawi-Tawi ang 96 na Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ayon sa Bangsamoro Government, 45 ang nagnegatibo sa COVID-19 habang ang 51 na nagpositibo ay gumaling na sa sakit.
Nakumpleto na rin ng mga ito ang kanilang 14-day quarantine sa isolation facilities.
Ang mga LSI ay isinakay sa MV Lady Mary Joy-3 sa Polloc Port sa Parang, Maguindanao na bahagi ng huling batch ng 405 LSIs na pauuwiin sa Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Sinabi ni Interior and Local Government Minister Atty. Naguib Sinarimbo na binigyan ang mga LSI ng 5,000 pesos cash assistance, 25 kilo ng bigas, groceries, gamot at hygiene kits mula sa Ministry of Social Services and Development at Rapid Emergency Action on Disaster Incidence.
Facebook Comments