HALOS 100 NA AGTA, NATULUNGAN SA ISINAGAWANG OUTREACH PROGRAM

Umabot sa 83 Agta members ang nabenepisyuhan sa inilunsad na Community Outreach Program ng Rotaract District Clubs sa Sitio Nangaramoan, Santa Ana, Cagayan.

Bahagi ito ng 2-day District Training at Assembly ng mga opisyales at miyembro ng iba’t-ibang Rotaract Club mula sa Isabela, Nueva Vizcaya at Cagayan.

Ayon kay Christian Jake Maramag, presidente ng Rotaract Club of Tuguegarao, sinabi nito na layunin ng Project ROTARACT na abutan ng tulong at pasayahin ang mga Agta Communities sa Lalawigan ng Cagayan lalo na ang mga batang katutubo.

Kabilang sa mga natanggap ng mga katutubo ay mga pagkain, bitamina, laruan at grocery packs.

Ang Sitio Nangaramoan ay isa sa mga adopted barangay ng Rotaract Club of Tuguegarao Citadel at Sierra Falcones Cagayan Valley.

Facebook Comments