Halos 100 na mga sasakyan na hindi awtorisadong sa pagbyahe ngayong ipinatutupad ang ECQ, natiketan ng PNP-HPG

Umabot sa pitungput isang mga hindi awtorisadong mga sasakyan ang natiketan sa EDSA kahapon dahil sa paglabag sa umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ayon kay Philipine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director Police Brigadier General Eliseo Cruz, mula alas-10 ng umaga hanggang ala-1 ng hapon kahapon, 38 mga motorista ang naisyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR) at Temporary Operator’s Permit (TOP).

Sa ikalawang bugso naman ng operasyon mula alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi ay 33 mga motorista ang naisyuhan ng TOP at OVR.


Matatandaang kahapon, nagkabulagaan ng magsagawa ng biglaang operasyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at HPG sa mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.

Dahil sa operasyon, nagkaroon ng paghaba ng pila ng mga sasakyan sa EDSA dahil pinatabi ang mga pribadong sasakyan at mga motorsiklo para tanungin kung ano ang dahilan ng kanilang pagbiyahe.

Sinabi naman ni Cruz na magtutuluy-tuloy ang operasyon ng HPG makaraang mapansin nitong mga nakalipas na mga araw ang pagdami ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA.

Facebook Comments