Inanunsyo ng Department of Education (DEPED) na nasa 99.54% ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang nagpapatupad ng 5 araw na face- to- face classes.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, ang pagsasagawa ng full face-to-face classes partikular sa mga pampublikong paaralan ay nananatiling polisiya ng DepEd sa gitna ng mga concerns tungkol sa mga bagong COVID-19 subvariants.
Matatandaan na inatasan ng DepEd ang lahat ng paaralang nag-aalok ng basic education na bumalik sa full face-to-face person classes simula November 2, 2022 maliban sa mga pribadong paaralan at ilang pampublikong paaralan na may “exceptional” circumstances.
Sa datos ng DepEd mayroong 47,612 pampublikong paaralan sa buong bansa ang nagpatupad ng face-to-face classes noong school year 2021-2022.