Halos 100 porsyento ng COVID-19 vaccine sa bansa, naipamahagi na ng DOH

Naipamahagi na ng Department of Health (DOH) ang 99% o 7,671,120 mula sa 7,779,050 na COVID-19 vaccine sa bansa.

Ayon sa DOH, kabuuang 3,299,470 doses naman ang naibakuna na.

55% o 2,512,942 doses ng 4,588,718 inilaang first dose ang naiturok na habang 17% o 786,528 ng 4,588,718 inilaang second doses.


Sa maraming mga bakuna na dumating sa bansa, nakamit ng Pilipinas ang 7-day average ng mga indibidwal na nabakunahan na 108,540.

Tiniyak ng gobyerno sa publiko na ang pagbabakuna ay libre para sa lahat.

Facebook Comments