Halos 100 siklista mula sa iba’t ibang grupo, nagsagawa ng protesta kontra korapsyon

Nagsagawa ang halos 100 siklista mula sa iba’t ibang grupo na kinabibilangan ng mga environmentalists, scientists at mga progressive organizations ng kilos-protesta kontra korapsyon.

Layon ng nasabing bike protest na maimbestigahan at mapanagot ang mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.

Nagsimulang nagtipon-tipon ang mga siklista sa Quezon City Hall papunta sa ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa nasabing protesta.

Samantala, sa Luneta Park naman ang kanilang huling stop over at dito isinagawa ang programa at para maglatag ng tarpaulin na may mukha ng mga corrupt na opisyal ng gobyerno at mga kontraktor na sangkot sa palpak na proyekto ng flood control.

Facebook Comments