Dahil maging mga mangingisda ay naapektuhan ng pandemya ng COVID-19, namahagi ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa 922 na mga mangingisda sa Talisay City, Cebu.
Isinagawa ang pamimigay ng tulong sa dalawang magkasunod na aktibidad sa San Roque Gym at Tabunok Gym.
Ang team mula sa tanggapan ng senador ay namigay ng pagkain, food packs, face masks, face shields, at vitamins sa mga beneficiaries.
“Alam ko mahirap ang pamumuhay niyo dyan pero magtulungan lang tayo at malalampasan rin natin itong krisis na ating hinaharap,” ayon kay Go sa kaniyang mensahe sa pamamagitan ng video call.
Hinimok ni Go ang publiko na patuloy na sundin ang health protocols upang mapanatiling ligtas ang kanilang sarili at mga nakapaligid sa kanila laban sa banta ng COVID-19.
Ang mga mangingisda ay pinayuhan ni Go na palagiang maguot ng face masks at face shields sa kanilang pang-araw araw na hanapbuhay.
“Mayroon rin akong ipinadala na vitamins, mask at face shield. Gamitin ninyo ito dahil delikado pa ang panahon. Sumunod tayo sa gobyerno,” paalala ni Go.
Pinaiiwas din ni Go ang publiko sa pagdaraos ng party habang nananatiling delikado ang panahon.
Tiniyak naman ang pagsunod sa health protocols sa isinagawang dalawang aktibidad.
Samantala, muling iginiit ni Go na sa sandaling magkaroon na ng ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19 ay prayoridad na mabigyan nito ang mga mahihirap at vulnerable sector.
“’Wag kayong mag-alala, kapag mayroon ng safe na vaccine, uunahin namin kayo ni Pangulong Duterte. Lahat ng mahihirap dyan sa Talisay, uunahin natin para makabalik na tayo sa mga normal natin na pamumuhay,” ayon pa kay Go.
May ilang benepisyaryo din na tumanggap ng bisikleta na kanilang magagamit sa pagpasok sa trabaho.
May mga nabigyan din ng tablets na magagamit naman sa online classes ng mga bata.
“Ngayon mayroon din akong ipinadala na mga bisikleta. Mayroon din akong ipinadala na computer tablets na magagamit ng estudyante sa kanilang pag-aaral,“ sinabi ni Go.
Paalala naman ni Go sa mga estudyante: “Mga bata, mag-aral kayo ng mabuti dahil ‘yan lang ang puhunan natin sa mundo. Kayong mga kabataan ang kinabukasan ng bansa. Mag-aral kayo ng mabuti — pakiusap ko, dahil ang mga magulang natin ay halos nagpapakamatay na para makapagtapos kayo ng pag-aaral niyo.”
Ipinaalala din ni Go sa mga residente sa lugar na mayroong Malasakit Centers na maari nilang malapitan sa sandaling mangailangan ng medical assistance.
Ayon kay Go, mayroongMalasakit Centers sa Talisay City District Hospital sa Talisay City, Vicente Sotto Memorial Medical Center at St. Anthony Mother & Child Hospital sa Cebu City, Lapu-Lapu City District Hospital sa Lapu-Lapu City, at sa Eversley Childs Sanitarium and General Hospital sa Mandaue City.
“Ang Malasakit Center ay one-stop shop na kung saan ang apat na ahensya ng gobyerno ay nasa loob ng ospital. Ito ang PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Health at DSWD na handang tumulong sa inyong lahat. Lapitan n’yo lang po ‘yan dahil ‘yan ang ipinangako ko sa inyo noon. At higit sa lahat, batas na po ito ngayon at pinirmahan na ito ni Presidente. Inyo ito — para ito sa mga Pilipino,” ayon sa senador.
Namahagin aman ng hiwalay na tulong-pinansyal ang mga tauhan mula sa Department of Social Welfare and Development.
“Tandaan ninyo, minsan lang tayo dadaan sa mundong ito. Kung ano mang kabutihan ang pwede natin gawin sa kapwa tao natin ay gawin na natin ngayon dahil hindi na tayo babalik sa mundong ito. Kami ni Presidente Duterte, patuloy kami na magseserbisyo sa inyo dahil para sa amin ang serbisyo sa tao ay serbisyo sa Diyos,” pagtatapos ng senador.