Halos 1,000 mga Badjao, Aetas na namamasko – nasagip

Umabot na sa halos 1,000 katutubo ang nasasagip ng mga otoridad.

Sa 126 na operasyon na ikinasa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa ilang kalsada sa kalakhang Maynila magmula December 11 hanggang ngayong araw December 24.

Pumalo na sa 967 na indigenous people ang kanilang nasagip alinsunod narin sa Presidential Decree No. 1563 (Mendicancy Law of 1978)


Binubuo ito ng 385 adult at 582 na mga menor de edad.3

Sa nasabing bilang 210 dito ang mga Aetas
1. Adult/s Male – 41 Female – 63
2. Minor/s Male- 60 Female – 46

Badjao (148)
1. Adult/s Male – 27 Female – 28
2. Minor/s Male – 36 Female – 57

Others (609)
1. Adult/s Male – 139 Female – 87
2. Minor/s Male – 266 Female – 117

Karamihan sa mga nasagip ay binigyan lang ng warning at saka pinalaya habang ang iba naman ay kinasuhan ng revised ordinance laban sa scavenging.

Ang mga nasagip na menor de edad ay sasailalim sa counselling at tinurnover sa DSWD.

Ang mga ito ay dadalhin sa DSWD upang bigyan ng ayuda pabalik ng kani-kanilang mga probinsya

Facebook Comments