Halos 1,000 pasok sa eskwela at trabaho sa ilang rehiyon sa bansa, nananatiling suspendido

Nasa 503 klase sa ilang rehiyon sa bansa ang nananatiling suspendido dahil pa rin sa epekto ng sama ng panahon.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, pinakamaraming class suspensions ang naitala sa CALABARZON na umabot sa 142 na sinundan ng Region 3 na may 130 class suspensions at Region 1 na may 102.

Karamihan kasi sa mga paaralang ito ay nagsisilbing evacuation center na pansamantalang tinutuluyan ng mga bakwit.


Samantala, 476 namang work suspension ang naitala ng NDRRMC sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, CAR at NCR.

Sa ngayon, nasa 119 siyudad at munisipalidad na sa Regions 1, 3, 9, 11, 12, CALABARZON, MIMAROPA at NCR ang nasa ilalim ng State of Calamity dulot ng pinagsamang epekto ng Bagyong Butchoy, Carina at habagat.

Facebook Comments