Halos 1,000 PDLs, pinalaya ngayong araw

Pinalaya ngayong araw ng Bureau of Corrections (BuCor) ang 985 persons deprived of liberty (PDL) mula sa New Bilibid Prison compound sa Muntinlupa City.

Ayon sa BuCor, ilan sa mga pinalayang preso ay acquitted habang ang iba ay nakapagsilbi na ng maximum na sentensya at ang iba ay nabigyan ng probation at parole.

Tiniyak din ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr., na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Board of Pardons and Parole (BPP) para mapabilis ang paglaya ng iba pang mga preso.


Sa ngayon, umaabot na sa 11,000 na PDLs ang napalaya sa ilalim ng “Bilis Laya” program.

Facebook Comments