Halos 1,000 pulis, apektado ng Bagyong Rolly

Nasa 1,000 pulis ang naapektuhan ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Camilo Cascolan, hindi lubhang apektado ang mga ito dahil maaga pa lang ay pinayagan na ang mga pulis na may mga pamilya sa mga lugar na dinaanan ng bagyo na umuwi para asikasuhin ang kanilang mga pamilya.

At batay sa kanyang nakuhang update, maayos na ang kalagayan ng mga ito at inaasahan na makakapag-report na sila sa duty.


Pero sakali naman na hindi pisikal na makasipot sa duty ay kailangan lang mag-report sa pamamagitan ng PNP Daily Online Personnel Accounting o sa Contact Tracing Data Information and Geographical System.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ang PNP ng imbentaryo ng mga istasyon ng pulis na nasira sa bagyo pero inaasahan nila na ang mga bagong tayong istasyon na concrete ang bubong ay hindi napinsala.

Facebook Comments