Aabot sa 10,000 Commercial Establishments sa Manila Bay ang nainspeksyon ng Dept. of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa datos ng Environment Management Bureau, nasa 9,708 Commercial Establishments ang kanilang nainspeksyon kung saan 2,478 ang naisyuhan ng notices of violations, at 107 ang pinatawan ng Cease and Desist Orders.
Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu, pinuno ng Manila Bay Task Force, marami pa rin ang kailangang gawin upang maging ligtas na paglanguyan ang Manila Bay.
Aniya, ang Rehabilitation ng Manila Bay ay mananatiling prayoridad ng gobyerno hanggang 2022.
Facebook Comments