Halos 10,000 OFWs, natulungan ng DFA na makauwi sa Pilipinas ngayong buwan

Aabot na sa 9,981 Overseas Filipino Workers (OFWs) ang na-repatriate sa bansa.

Ito ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pagitan ng December 1 hanggang 5, 2020.

Ayon sa DFA, ito na ang pinakamataas na five-day total repatriated nationals mula nitong Hulyo.


Maraming Pilipino ang naiuwi mula sa Middle East na nasa 8,432 o katumbas ng 84.48%, Asia and the Pacific na nasa 843 (8.45%) at Europe, 706 (7.07%).

Kasama rin dito ang isinagawang limang medical repatriations mula sa Bahrain, Japan, Oman, Russia at Thailand.

Sa kabuuan, aabot na sa 287,301 overseas Filipinos ang natulungang makauwi sa bansa sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments