Umabot na sa halos 10,000 katao ang inilikas sa Northern Samar kasunod ng pananalasa ng Bagyong Ambo.
Ayon kay Rei Josiah Echano, pinuno ng Northern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nasa 9,700 na indibidwal ang ipinadala sa evacuation centers.
Naputol na rin aniya ang kanilang linya ng kuryente at komunikasyon.
Sa kabila ng COVID-19 pandemic, tiniyak ni Echano na sinusunod ng mga bakwit ang physical distancing at iba pang health protocols.
Nakapamahagi na rin ng relief goods sa mga evacuees.
Sa ngayon, aabutin ng hanggang tatlong araw para malaman nila ang kabuoang pinsala ng bagyo sa lalawigan.
Umapela rin si Echano ng karagdagang relief goods lalo na at inaasahang aabot sa 30,000 ang bilang ng evacuees.
Facebook Comments