Halos 100,000 indibidwal, kailangan sa contact tracing ayon sa DOH

30

Nangangailangan pa rin ang bansa ng 95,000 contact tracers sa gitna ng coronavirus disease pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ideal number ng contact tracers ay isa sa kada 800 indibidwal.


Kung susumahin, aabot aniya sa higit 126,000 na tracers ang kailangan ng gobyerno.

Sa ngayon, higit 38,000 pa lang aniya ang na-hire ng gobyerno.

Sabi pa ni Vergeire na isinasapinal na ng DOH ang minimum qualifications para sa contact tracers para masimulan na ang hiring sa kanila.

Magiging alinsunod rin aniya sa salary grade ng Civil Service Commission ang magiging suweldo.

Facebook Comments