HALOS 11K NA MGA BATA SA DAGUPAN CITY, BAKUNADO NA LABAN SA SAKIT NA MEASLES, RUBELLA AT POLIO

Bakunado na laban sa mga sakit na Measles, Rubella at Polio ang nasa halos labin-isang libo o halos 11, 000 na mga bata sa Dagupan city, sa ilalim pa rin ng kampanya ng Kagawaran ng Kalusugan na Chikiting Ligtas Measles Rubella-Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA).
Katumbas naman ito ng 75% na naitala ng City Health Office Dagupan as of May 18 o kabuuang bilang na 10, 748 na mga bata sa lungsod na may edad apat pababa ang nabakunahan na ng naturang vaccine.
Patuloy naman itong umaarangkada sa mga bara-barangay sa siyudad upang personal itong maihatid sa mga bata sa mga komunidad.

Layon nitong matiyak ang malusog at ligtas na paglaki ng mga bata at maiwasan ang mga sakit na Measles, Rubella at Polio na maaari nilang makuha sa kanilang paglaki kung walang sapat na proteksyon laban dito.
Samantala, kasabay ng pagpapabakuna ay ang pamamahagi ng alkalde ng mga gatas at bitamina para sa mga bata. |ifmnews
Facebook Comments